3 fire sub-station naipatayo sa So.Cot

KORONADAL CITY- TATLONG mga fire sub-station na sa South Cotabato ang naipatayo ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mas mapabilis ang pagresponde sa sunog.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Philip Chan ng BFP South Cotabato na kabilang sa may activated fire sub-station ang bayan ng Surallah, Polomolok at Koronadal City.

Ang fire sub-station ng Koronadal ay nasa Integrated Public Terminal ng lungsod.

Nasa Barangay Cannery naman ang activated fire sub-station ng Polomolok at on-going ang construction ng isa pang sub-station sa Barangay Glamang.

Inihayag ng opisyal na sa pamamagitan nito, maaabot ng mga bombero ang response time na kinakailangan sa pagresponde sa sunog.

Pinasiguro naman ni Chan na lahat ng mga LGU sa lalawigan ay mayroong functional fire truck at ang South Cotabato ay may kabuuang 290 na mga firefighters.

Ngayong buwan ng Marso, ipinagdiriwang ng probinsya ang Fire Prevention Month na may temang “Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *