33,280 vials ng J&J vaccine na para sa mainland provinces ng Bicol dumating sa lungsod ng Legazpi

BICOL—Umaabot sa 33,280 vials ng Janssen vaccines ng Johnson and Johnson ang dumating sa Legazpi City airport kahapon.

Katumbas ito ng 166,400 doses ng bakuna dahil bawat vial ay nagtataglay ng limang doses.

Nakalaan ang panibagong batch na ito para sa A2 priority group sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon at Camarines Norte habang direkta naman ang paghahatid ng mga bakuna para sa mga islang lalawigan ng Catanduanes at Masbate mula sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, 51,000 doses ng bakuna ay para sa Camarines Sur Provincial Health Office, 6000 para sa Naga City Health Office at 5,600 para sa Iriga City Health Office. Mayroon namang 19,500 doses allocation ang Camarines Norte PHO; 24,000 doses sa Sorsogon PHO; 6,700 sa Sorsogon City Health Office; 31,000 doses sa Albay PHO; 6000 sa Legazpi CHO; 5,500 sa Tabaco CHO at 5,500 doses din sa Ligao CHO.

Mayroon ding hiwalay na tig-1000 doses allocation ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Albay, Bicol Medical Center (BMC) sa Naga City, BRGHGMC o Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sut at Camp Elias Angeles Station Hospital (CEASH) sa Camarines Sur.

Maliban dito, mayroon pang 1,600 doses na buffer allocation ang DOH Bicol Center for Health Development (CHD).

Para naman sa islang lalawigan ng Masbate, umaabot sa 25,900 doses ang nakatakdang ideliver ng direkta sa Masbate PHO at 2,500 doses naman sa Masbate CHO.

Nitong Lunes ay nauna nang naideliver sa islang lalawigan ng Catanduanes ang allocation nitong nasa 9000 doses ng Janssen vaccine. Sa kabuuan ay umaabot sa 203,800 doses ng J&J vaccine ang naka allocate para sa Bicol region.

Mababatid na ang J&J vaccine ay likha ng US based Janssen pharmaceutical companies ng Johnson and Johnson at isa sa mga COVID-19 vaccines na nadevelop na single shot o isang dose lamang para makuha ang kinakailangang proteksyon.### || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *