37 na mga bagong kaso ng COVID-19 variants naitala sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa kabuuang 286 ang mga kaso ng variants of concern ng COVID-19 sa Bicol region matapos na magtala ng 37 na mga bagong kaso.

Sa pinakahuling Bio surveillance report ng Department of Health (DOH) Bicol, Delta variant ang pinakamaraming nadagdag na nasa 33 at tigdalawa ang Beta at Alpha variants.

Sa 33 bagong Delta variant cases, 21 ang mula sa Camarines Norte at tig-anim ang Albay at Camarines Sur.

Ang dalawang bagong Beta variant naman ay mula sa Sorsogon at Camarines Sur habang ang dalawang panibagong Alpha variant cases ay mula sa lungsod ng Legazpi at sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa kabuuan, umaabot na sa 138 ang mga kaso ng Delta variant na siyang pinakamarami sa rehyion, 104 ang Beta at 44 ang Alpha variant cases.

Kaugnay nito ay nilinaw ng DOH na ang mga bilang na reported ay base lamang sa mga specimen na naisumite sa Philippine Genome Center (PGC) at hindi sumasalamin sa kabuuang bilang ng mga posible pang kaso ng variants of concern sa komunidad.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *