4 arestado sa pagpapalaban ng gagamba sa Batangas City

Arestado ang apat na kalalakihan matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagpapalaban ng gagamba sa Barangay Mahabang Parang, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga suspek na sina Dennis Plata y Alba 32-anyos, residente ng Barangay Bilogo, Batangas City, Mark Anthony Cañares y Plata 21-anyos, Jobert Pagcaliwagan y Agon 36-anyos, Marvin Cañares y Plata 22-anyos na pawang mga residente naman ng Barangay Mahabang Parang.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-8:45 ng gabi ng saktong maaktuhan ng mga awtoridad ang mga suspek na nagsasagawa ang pagpapalaban sa mga gagamba o spider derby nang may pustahan.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang improvise spider fighting arena, Glass box na may lamang mga gagamba at perang nagkakahalaga ng 2,585 pesos.

Bukod dito, nakumpiska din sa isa sa mga suspek ang isang folder na naglalaman ng mga tuyong dahon na may timbang na 1.5 grams na pinaniniwalang marijuana.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Batangas CPS ang apat na suspek na nahaharap sa kasong Republic Act No. 9287 o ang An Increasing The Penalties For Illegal Number Games at Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published.