4 arestado sa tupada sa Lucena City

Sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng mga kapulisan, naaresto ang apat na kalalakihan matapos mahuling nagtutupada sa Lucena City.

Ayon sa Lucena City PNP, nabisto nila ang mga suspek na nagtutupad sa Purok Damayan 2, Brgy. Ibabang Iyam matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang concerned citizen.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong (3) panabong na manok, dalawa (2) tari at pustang Php 300.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lucena City Police Station ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling. | Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *