4 deaths, 107 new cases at 30 recoveries sa COVID-19 sa Bicol ngayong araw

BNFM BICOL—Pumalo na sa kabuuang 9,357 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng panibagong 107 na kaso ngayong araw. Tumaas naman sa 2,866 (30.63%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang Camarines Sur na may 49 kung saan 29 nito ay mula sa Naga City, apat sa bayan ng Sipocot, tatlo sa bayan ng San Fernando, tigdalawa ang bayan ng Calabanga at lungsod ng Iriga at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Buhi, Goa, Magarao, Minalabac, Nabua, Pasacao, Pili at Tigaon.

30 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Masbate kung saan 16 nito ay mula sa Masbate City, apat sa bayan ng San Fernando, tigdadalawa sa bayan ng Aroroy, Batuan, Milagros at Monreal at tig-isa ang bayan ng Placer at Uson.

Ang Albay ay nakapagtala ng 23 bagong kaso kung saan 16 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, dalawa sa bayan ng Daraga at Guinobatan at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Libon at Ligao City.

Apat na panibagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan dalawa nito ay mula sa Sorsogon City at isa sa bayan ng Juban at Matnog habang isang bagong kaso naman ang naital na mula sa labas ng Bicol, galing ito sa Nueva Ecija.

Apat na bagong insidente ng pagkasawi ang nadagdag kung saan dalawa nito ay mula sa Albay at dalawa naman sa Sorsogon. Bunsod nito ay pumalo na sa 327 (3.49%) ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Bicol.

Samantala, 30 panibagong recoveries ang nadagdag ngayong araw kung saan 13 nito ay mula sa Sorsogon, 12 sa Albay at lima sa lungsod ng Legazpi. Dahil dito, umabot na sa 6,164 (65.88%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *