Lalaki na may 16 asawa, balak magdagdag hangang 100

Hindi pa sapat para sa isang lalaki sa Zimbabwe ang nasa 16 na asawa na kasalakuyan niyang kinakasama.

Ayon kay Misheck Nyandoro, balak pa niyang paabutin ng hangang 100 ang kanyang asawa bago siya mamatay.

Sa katanuyan sinabi ni Nyandoro na plano niyang pakasalan ang kanyang ika-17 asawa ngayong taon.

Sa ngayon sinasabing mayroon nang 151 anak si Nyandoro habang dalawa sa asawa nito ang buntis.

Sa report ng Zimbabwean publication na The Herald, istrikto umanong sinusunod ni Nyandoro ang apat na beses kada gabi na pakikipagtalik sa kanyang mga asawa upang makamit niya ang 1,000 na anak bago siya lagutan ng hininga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *