4 na dinadagsang mga lugar sa Legazpi City, target para sa vaccination kontra COVID-19

LEGAZPI CITY – Target ng City Health Office (CHO) Legazpi na magsagawa ng pagbabakuna sa mga matataong lugar upang mapataas pa ang vaccination rate ng lungsod ng Legazpi.

Ayon kay Dr. Fullbert Alec Gillego, head ng CHO Legazpi, apat na dinadagsang mga lugar ang kanilang pupuntahan na pagsasagawaan ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Aniya, mas tutok umano ang nasabing opisina sa pagpapabakuna ng booster shots sa mga senior citizen, adult, at pediatric group.

Kabilang sa mga pupuntahan o bibisitahin ng mga ito ang mga opisina ng gobyerno, private office, place of workship, mga terminal tulad ng airport, bus, at port.

Lumalabas kasi sa datus ng DOH Bicol ang Pediatric group ay mayroon lamang na 26.8% lamang ng booster shot habang nasa 888.0% sa senior citizen at 93.9% lamang sa adult ngayon araw ay nagsasagawa ng pagbabakuna sa LC3, dalawang malls sa lungsod, Tamaoyan High Scool, Cabangan Elementary School at CHO Conference room.

Inaasahan din nito na dadagsain ang bakunahan sa lungsod at iba pang lugar sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *