Magnanakaw sa Agusan del Sur, ‘nagpaligaya muna sa sarili’ bago umalis

Mistulang hitting two birds in one stone ang ginawa ng isang di pa matukoy na magnanakaw matapos mag-iwan ng malapot na ebidensya sa boarding house na kanyang ninanakawan.

Sa panayam kay Alyas Rose ng P-3, Poblacion, Trento na nagulat na lamang siya dakung alas-2 ng madaling araw noong nakaraang araw matapos makarinig ng kaluskos sa kwarto na kanyang tinutulugan, nakita niya ang isang lalaki na dali-daling isinusuot ang pang-ibaba nitong suot at nagka-tinginan pa sila sa nasabing magnanakaw bago ito umalis.

Sa paghalughog sa buong boarding house, tatlong cellphone ang natangay ng magnanakaw kasama na ang dalawang cellphones ng kanyang mga kapatid.

Ang hindi lang matanggap ni Rose ay nag-iwan pa ito ng malapot na ebidensya matapos basang-basa ang kanyang unan dahil sa semilya o semen na naiwan.

Ayon pa sa kanya, Hindi naman siya pinagsamantalahan ng nasabing suspek. Tanging pagpapaligaya lang sa sarili ang ginawa ng tumakas na magnanakaw.

Na-blotter na ni Rose ang pangyayari sa Trento Municipal Police Station at umaasang madakip ang suspek at marekober ang 3 cellphones na ninakaw nito. Kasalukuyan namang naglunsad ang kapulisan ng malalimang imbestigasyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.