4 na nagpupusoy- ‘napusoy’ din ng PNP

Arestado ang apat na kalalakihan na pawang mga residente ng Barangay Inagawan sa Puerto Princesa City.

Ganap na 4:15 ng hapon ng Huwebes ay huli sa akto ng tauhan ng Police Station 2 ang apat na nagpu-pusoy sa Purok Masigla Barangay Inagawan.

Sa pangunguna ni PMAJ. NOEL A. MANALO ay hindi pinalampas ang mga ito at kinumpiska sa kanila ang mga ebidensya tulad ng baraha at pera o pusta.

Nakatanggap din ang Police Station 2 ng reklamo sa ilang pasahero na natatagalan sa pag-alis ang tricycle na minamaneho ng mga suspek dahil sa kanilang pagsusugal.

Lantaran umano itong ginagawa ng mga nahuli sa waiting shed kaya naharap sila sa paglabag sa Presidential 1602 o Illegal Gambling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *