Pagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga bata, nais paigtingin

Nais paigtingin ni SK Federation President konsehal Myka Mabelle Magbanua, ang pagpapatupad sa pagbabawal nang pagbebenta at pagbili ng sigarilyo sa mga kabataan (menor de edad).

Aniya, sa pamamagitan ng isinusulong nitong ordinansa ay bubuhayin ang mga batas na nagbabawal sa mga bata na maka-access ng mga tobacco products.

Kasama umano sa panukala na i-required sa mga tindahan na maglagay ng posters na kung saan nakalagay na “ang produktong ito ay hindi ipinagbibili sa ganitong edad,”.

Sa ilalim din nito ay aatasan ang BPLO na manghuli kung mapapatunayan na lumabag ang isang tindahan o establisyemento ay posibleng makansela ang kanilang business permit.

Kung sakali na maging isang ganap na lokal na batas ay hindi aniya magiging rason lalo na ng mga tindahan na inutusan lamang ang bata na bumili ng sigarilyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *