4 na umano’y nagbebenta ng shabu sa mga turista sa Caramoan Camarines Sur , arestado

NAGA CITY – Huli sa Buy Bust Operation ang 4 na katao na pinaniniwalaang nagsusupply ng illegal na droga sa mga turista sa Caramoan Camarines Sur.

Inilunsad ang operasyon ng nagdaang Sabado, Marso 11, 2023 sa ganap na 11:20 ng umaga sa Brgy. Oroc-osoc matapos na magpositibo ang ikinasang transaksyon ng isang operatiba na tumayong poseur buyer, kung saan nakapag-order ito ng shabu sa mga suspek sa halagang P102K.

Ayon sa report, nang magka-abutan na ng items at ng pera ay mabilis na sinugod ng mga naka-abang na operatiba ng PDEA at ng Caramoan PNP ang 4 na suspek, kung saan nakuha sa posesyon ng mga ito ang ginamit na Buy Bust Money at ilang mga Drug Paraphernalia, habang ang 5 pakete na naglalaman ng Shabu na nabili sa mga suspek ay nasa pag-iingat naman ng tumayong Poseur Buyer.

Kinilala ang mga nahuli na sila: Jose Fernan Llagas , 33-anyos na  tour operator; Gesel Angeles 23-anyos, dalaga at isang studyante; Cyrus Kim Hernandez , 30-anyos, aluminum installer  at si Richard Dianela 47-anyos, tricycle driver at isang Barangay Tanod ng Garchitorena, Camarines Sur.

Ang mga suspek ay mismong hinuli sa loob ng isang bahay, kung saan nangyari ang bilihan ng illegal na droga, at ayon pa sa nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Naga, nagsisisilbi rin itong drug den ng kanilang mga parokayano at mismong gamitan ng mga suspek.

Samantala, wala naman ibinigay na anumang pahayag ang mga suspek kaugnay sa nangyaring operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *