Singapore, planong alisin ang quarantine para sa US travelers

Plano ng Singapore na magpatupad ng quarantine-free entry para sa mga byahero mula Estados Unidos na bakunado na kontra COVID-19 bago matapos ang taon.

Inumpisahan na ng Singapore, na isang kilalang travel at tourism hub, ang kaparehong programa para sa mga byahero na mula Germany at Brunei noong nakaraang buwan.

Ipinunto ng trade and industry official ng Singapore na naging patagumpay sila sa pilots ng Vaccinated Travel Lanes (VTL) kasama ang Germany at Brunei kung saan ay pinapasok nila ang fully vaccinated individuals sa kanilang bansa para sa business at leisure.

Sa ilalim ng programa ay pwedeng i-bypass ng mga bakunadong indibidwal sa VTL ang isolation requirements kung magnenegatibo sila sa RT-PCR tests.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *