4,289 new COVID-19 cases; 47K active cases, pinakamababa sa loob ng 6 weeks

Naitala sa Pilipinas ang 4,289 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para sumipa ang nationwide tally sa 1,450,110.

Hindi kasama sa bilang ang resulta mula sa apat na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time.

Ayon sa Department of Health (DOH), bumaba ang active cases sa bansa sa 47,519, ang pinakamababa simula noong May 26, kung saan 90.4% ang mild, 4.1% ang asymptomatic, 2.3% ang severe, at 1.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang total recoveries naman ay tumaas sa 1,377,132 matapos gumaling ang 6,399 pang pasyente mula sa respiratory disease, habang 164 naman ang naitalang bagong fatalities, dahilan para umakyat ang death toll sa 25,459. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *