National fire training institution act, planong isulong ng isang mambabatas

LEGAZPI CITY – Planong isulong ng isang mambabatas ang isang batas na may kinalaman sa educational system at pagsasanay sa mga nais maging bumbero.

Binigyang-diin ni Cong. Alfred De los Santos ng Ang Probinsyano Party-list, ang tungkol sa National Fire Training Institution Act sa isingawang Inauguration and Blessing ng Legazpi City Fire Sub-Station 3 sa Brgy. Taysan, Legazpi City na ginanap nitong nakaraang Biyernes, kung saan layunin umano nitong baguhin ang sistema ng edukasyon sa mga mag-aaral at sa mga naghahangad na maging bumbero sa hinaharap.

Iginiit niya na nararapat lamang na mga dalubhasang bumbero rin ang magturo sa mga ito.

Sa isinagawang inagurasyon, kasama ni De los Santos sina Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal, City Councilor Renato Valladolid, at iba pa sa ribbon cutting at pagturn over ng ceremonial key.

Samantala, ipinaabot rin ni De los Santos na patuloy ang pakikipagtulungan nya sa kawani ng Bureau of Fire and Protection (BFP) para sa mas mabilis at paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan. | WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *