5 sa 7 bagong kaso ng COVID-19 sa Tiwi, Albay nahawa sa mga COVID positive

BNFM BICOL—Ang bayan ng Tiwi ang nagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon.

Sa update na inilabas ng local na pamahalaan ng nasabing bayan, lima sa pitong bagong kaso ay mga close contact ng mga dati nang tinaaan ng virus.

Isa naman nito ang may travel history sa Metro Manila habang ang isa ay for verification ang history of exposure.

Sa kabuuan, 68 na ang naitalang kaso ng sakit sa bayan ng Tiwi, 16 ang aktibong kaso, 49 ang gumaling at apat ang nasawi.

Samantala maliban sa bayan ng Tiwi, nagtala rin ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Legazpi at bayan ng Daraga na mayroong tig-anim, lima sa bayan ng Manito, apat sa bayan ng Guinobatan, tigtatatlo ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Oas at mga lungsod ng Ligao at Tabaco habang tig-iisang kaso naman ang Malinao, Polangui at Rapu-Rapu.

Sa kabuuan, 46 ang mga bagong kaso sa lalawigan habang dalawa naman ang nadagdag sa mga nasawi.

Sa ngayon ay umabot na sa 2,445 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa Albay, 969 na ang aktibong kaso, 92 ang nasawi at 1,389 ang recoveries.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *