50-anyos na lalaki sa Japan, arestado matapos kusang labhan ang mga bra at panty ng kapitbahay

Sa araw-araw nating pagkabuhay, o kay sarap lamang isipin sa tuwing mayroong mga taong nagmamalasakit para sa atin.

Ngunit, paano natin masasabi na may hangganan o limitasyon din ang pagmamalasakit sa kapwa?

Gaya na lamang ng nangyari kamakailan sa Shizuoka Perfecture sa Japan dahil sa isang kapitbahay ng isang babae ang pinasok ang kaniyang apartment na walang paalam at nilabhan umano ang lahat ng kaniyang bra at panties.

Magpapasalamat ka kaya dahil sa kaniyang ginawang pagkukusa o magagalit dahil sa isa ito sa mga pampribadong aspekto na dapat ikaw lamang ang gumagawa?

Dahil rito, inireklamo agad ng biktima ang 50-anyos na kapitbahay na lalaki at inaresto ng mga otoridad.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo dahil sa wala naman itong ninakaw na kung ano pa man kun’di tanging ang malabhan ang mga naturang bra at panty.  

Ang tanong ngayon, sadyang nagmamalasakit nga lang ba ito o may iba pang pakay na higit pa sa paglaba ng nasabing mga salawal?###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *