50 Chinese vessels – na-spottan sa EEZ sa West Philippine Sea

Nasa 50 Chinese vessels – nakita ng AFP sa loob ng exlusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.


Kinundena ng Western Command o WesCom ang presensya ng halos 50 mga Chinese vessels na nakitang nagkukumpulan sa loob mismo ng exvlusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon sa WesCom, nakaaalarma ang presensya ng mga barkong ito na kinabibilangan ng ilang fishing vessels, Chinese Coast Guard, at People’s Liberation Army Navy.

Nakitang umaaligid ang mga ito sa bahagi ng Iroquois Reef, sa ibaba ng Recto Bank sa West Philippine Sea.

Nakita rin ang iba pang maritime assets ng China sa bahagi ng Sabina Shoal.

Sabi ng WesCom – dapat ay kaagad itigil ng China ang presensya nila sa ating teritoryo, at irespeto ang soberanya ng Pilipinas.

Na-monitor ang naturang mga vessels noong June 30 – ang kaparehong araw kung saan ay naitala ang ‘dangerous manouver’ ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Kinokolekta naman na ng WesCom ang mga kinakailangang dokumento para makumpleto nila ang report hinggil dito.

Ayon sa WesCom, ifo-forward nila ang detalyadong report sa mga kinauukulan na mahalaga sa pagfa-file ng panibagong diplomatic protest.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni NV312 co-pilot Lt. Karla Andres na ang mga nakitang vessels sa Iroquois Reef at Sabina Shoal ay naka-grupo-grupo.

Bagamat mga fishing vessels ang mga ito – hindi naman daw sila nangingisda at pawang mga nagpapakalat-kalat o umaaligid lang sa area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *