6 na bagong pagkasawi, 178 bagong kaso, 155 recoveries sa COVID-19 naitala sa Bicol

BNFM BICOL—Anim na panibagong kaso ng pagkasawi sa COVID-19 ang naitala sa Bicol region kung kaya pumalo na sa 415 ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Tatlo nito ay mula sa lalawigan ng Albay at tig-iisa ang lalawigan ng Catanduanes, Sorsogon at lungsod ng Naga.

Samantala, 178 na bagong kaso ng sakit ang nadagdag kung saan pinakamarami nito ay mula sa Albay na nasa 67. Ang lungsod ng Legazpi ay nagtala ng 52, tigtatlo ang bayan ng Camalig at Daraga, tigdadalawa ang mga bayan ng Bacacay at Tiwi at gayundin ang lungsod ng Ligao habang tig-iisa naman ang mga bayan ng Guinobatan, Malinao at Sto. Domingo.

65 bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Sur kung saan naitala sa Naga City at mga bayan ng Camaligan at Canaman ang tig 12; walo sa bayan ng Ragay; tig-aapat sa bayan ng Buhi, Minalabac at Pili; tigdadalawa ang bayan ng Bato, Magarao at Nabua at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Del Gallego at Presentacion.

24 na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 12 nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Bulusan at tigdadalawa ang mga bayan ng Castilla, Juban, Matnog at Pilar at isa naman sa bayan ng Donsol.

Ang lalawigan ng Camarines Norte ay nakapagtala ng 11 bagong kaso kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Daet, dalawa sa bayan ng Paracale at tig-iisa ang mga bayan ng Labo, Mercedes, Sta. Elena, Talisay at Vinzons.

Siyam na kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Catanduanes kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Virac, tatlo sa bayan ng Baras at isa sa bayan ng Bato.

Dalawang kaso ang nadagdag sa Masbate na mula sa mga bayan ng Mandaon at Monreal.

Sa nayon, pumapalo na sa kabuuang 12, 682 ang kaso ng sakit sa Bicol region.

Mayroon namang 155 na mga bagong gumaling kung saan 50 nito ay mula sa Albay, 55 sa Camarines Sur, apat sa Sorsogon at tatlo sa Catanduanes,

Sa kabuuan, ay umaabot na sa 8,097 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *