6 na katao, timbog sa pagsusugal

SORSOGON CITY – Naaresto ang anim na katao matapos na matiklo sa paglalaro ng tong-its’ sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng Matnog Police sa Sitio Bliss, Brgy Gadgaron sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Kinilala ang mga ito na sina Agnes Ubaldo Azul, 55-anyos, may asawa, walang trabaho; Alma Ubaldo Azul, 46-anyos, dalaga, walang trabaho; Patrick Belir Garay, 19-anyos, binata walang trabaho; Mervin Azur Bober, 31-anyos, binata, make-up artist; Josefa Gayanes Gepulle, 57-anyos, dalaga, vendor lahat residente ng Brgy Gadgaron at Ligaya Capili Fermanes, 30-anyos, dalaga, online seller at naninirahan sa Brgy Manjumlad ng parehong bayan.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang set ng baraha at perang taya.

Ang mga suspek at nakumpiskang pera at baraha ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *