“Bagsakan area” sa pamilihang bayan ng Virac, Catanduanes, hinahanapan ng bagong mapaglilipatan dahil sa itatayong tulay

Virac, Catanduanes —Inihayag ni Punong Brgy. Anthony Arcilla ng Brgy. Concepcion sa bayan ng Virac, Catanduanes na kasalukuyan silang naghahanap ng lugar na mapaglilipatan ng “bagsakan” sa Virac Public Market.

Ayon sa opisyal, kinakailangang mahanapan ng bagong pwesto ang mga nagtitinda sa bagsakan bunsod ng bubuksang tulay sa nasabing lugar na magkokonekta sa tatlong barangay ng bayan partikular ang mga barangay ng Concepcion, Gogon at Palnab.

Dagdag pa nito, matagal nang na i-turn over sa LGU ang pangangalaga sa nasabing bahagi ng palengke matapos na masira ng manalasa ang bagyong Rolly nitong nagdaang taon.

Samantala, ayon naman kay Virac Public Market Administrator – Andy Po, hindi naipagbigay sakanyang kaalaman na na i-turn over na sa kustodiya ng lokal na pamahalaan ang naturang bagsakan.

Matatandaang labis na napinsala ang bahaging ito ng Virac Public Market nang salantain ng bagyong Rolly at hanggang sa ngayon ay hindi na naibalik pa ang linya ng kuryente dito ngunit sakabila nito ay patuloy pa rin umanong sinisingil ng P10.00 ang mga nagtitinda sa bagsakan bilang renta sakanilang pwesto.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *