683 na indibidwal sa Quirino Province, fully vaccinated na

Fully vaccinated na ang nasa 683 na indibiwal na kabilang sa priority list mula group A1-A3 sa probinsya ng Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang nasabing bilang ay natanggap na ang ikalawang dose ng Sinovac vaccine habang nasa 610 naman ang nakatanggap ng unang dose ng bakunang Astrazeneca.

Ayon naman sa pinakahuling ulat ng Quirino Provincial Health Office mayroon nang 8,324 doses ng Sinovac at kabuoang 610 ng Astrazeneca ang dumating sa lalawigan.

Hinimok naman ni Quirino Governor Dax Cua ang mga kabilang sa priority list na kinabibilangan ng mga Senior citizen, frontliners at mga may comorbid na magpabakuna na bilang proteksyon sa COVID-19.

Inihayag din ng gobernador na natanggap na niya ang unang dose ng Sinovac vaccine at wala naman siyang naranasang adverse event.

Samantala, nagpapatuloy naman ang pagtanggap ng probinsya ng mga bakuna kontra COVID-19 at inaasahan sa susunod na buwan ang pagdating ng Pfizer vaccine.

Kaugnay dito, ayon kay Gov. Cua isa ang Quirino na maaring tumanggap ng Pfizer vaccine dahil sa kahandaan nito sa pagprovide ng cold chain storage na angkop sa pangangailangan ng Pfizer na  -70 degrees Celsius na freezer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *