6kls ng umano’y dried marijuana, nasabat sa Santiago City, Isabela; 2 suspek, arestado

Arestado ang dalawang kalalakihan na magpupuslit sana ng ipinagbabawal na marijuana at nilagaring illegal na punungkahoy lulan ng isang trailer truck matapos maharang ng mga otoridad sa Maharlika Highway, Sinsayon, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa Police Regional Office No. 2, kinilala ang mga naaresto na sina Rodel Banggawan, 33 anyos, drayber ng naturang trailer truck na residente ng Dao-Angan, Balbalan, Pinukpok, Kalinga at Reymond Ferrer, 28 anyos na residente naman ng Binalunan, Pusorubio, Pangasinan.

Batay sa inilabas na police report, nakatanggap ang mga otororidad mula sa kanilang asset na may ibabiyaheng kontrabado ang mga suspek mula Kalinga papuntang Pangasinan kaya’t agad na nagsagawa ng operasyon ang RDEU, PDEA-QPO, CDEU, Santiago City PS, 3rd Platoon All-Women City Mobile Force Company at Police Station 2.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang anim (6) na bloke at isang tubo na may laman na pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa anim (6) na kilo, 3 piraso ng nilagaring kahoy na may kabuoang 184.5 board feet na nagkakahalaga ng 22,140, isang rolyo ng aluminum foil at isang lighter.

Agad namang idinala ang mga suspek sa Santiago City Police Station 2 na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9162 o Comprehensive Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

Photo: PDEA Region 2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *