8 sa 12 bayan sa Camarines Norte mayroon nang Delta COVID- 19 variant matapos makapagtala ng 21 bagong kaso

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 21 bagong kaso ng Delta variant ang lalawigan ng Camarines Norte, batay sa resulta ng random testing ng Philippine Genome Center.

Ayon sa Department of Health ang mga bagong kaso ng itinuturing na pinakamabagsik na Covid- 19 variant ay naitala sa pitong bayan.

Pinakamarami ang naitala sa Talisay na mayroong 6, Daet 5, Labo 4, Vinzons 3 habang tig- isang kaso sa Basud, Jose Panganiban, at Sta Elena.

Matatandaan na unang naitala ang Delta variant sa lalawigan noong Setyembre sa Mercedes na mayroong dalawa at isa sa bayan ng Labo.

Sa kabuuan nasa 24 na ang mga naitalang kaso ng naturang variant sa lalawigan.

Itinuturing na mabagsik ang Delta dahil nagdudulot  ito ng mabilis na pagdami ng  mga kaso.

Ipinalam sa mga concerned LGUs ang hinggil sa bagay na ito noon pang Martes ng gabi.

Ang Delta  ay ang bersiyon ng virus na ngayon ay nangingibabaw na variant ng COVID-19 sa Bicol at sa buong bansa.

Sinasabing mas mataas ang panganib na mahawaan ng variant na ito ang mga hindi pa bakunado.

Maliban sa Delta ay mayroon ding pitong Beta variant ang una nang naiulat.

Noong Miyerkules ay nagpatawag ng emergency meeting ang Provincial Incident Management Team kasama ang DOH, Provincial Health Office, PNP at mga MDRRMO.

Sa naturang pagpupulong ay sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na maaari nang sundan ang istratehiya na ginamit sa naunang apat na kaso.

Nagsagawa na rin ng contactvtracing ang mga Lokal na Pamahalaan hanggang third generation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *