80% ng dog population sa Sorsogon City target mabakunahan ngayong taon

SORSOGON CITY – Target ng Sorsogon City Veterinary Office na mabakunahan ang 17,000 mga aso o 80% ng dog population sa lungsod ngayong taon.
Ito ang inihayag ni City Veterinarian Dr. Alexander Destura sa panayam ng Brigada News FM kung saan patuloy ang kanilang mga tauhan sa pag-iikot sa mga barangay para sa pagbakuna sa mga aso.
Katunayan anya ay mayroon nang 15 barangay sa syudad ang kanilang naikot kung saan inuuna nila ang mga malalayong barangay.
Wala naman umanong dapat ipangamba ang mga dog owners sa mga lugar na hindi pa nila nabibisita dahil sapat ang supply ng mga bakuna kontra rabies sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published.