Banye-banyerang isdang tamban ipinamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng Bulusan volcano eruption

SORSOGON CITY – Sa patuloy na pagbuhos ng mga tulong sa mga apektadong residente ng pag-alburuto ng Bulkan Bulusan, isdang tamban o lawlaw naman ang hatid na tulong ng Phillipine Fisheries Development Authority ng Bulan Fish Port Complex.

Banye-banyerang mga lawlaw ang bitbit ng grupo at ito ay ipinamahagi kahapon sa mga barangay ng Bacolod, Puting Sapa, Buraburan, at Catanusan sa bayan ng Juban gayundin sa Barangay Cogon sa bayan naman ng Irosin.

Kabilang din sa mga tumulong sa distribusyon ang mga volunteers ng Arise team sa pangunguna ni Board Member Arze Glipo.

Labis naman itong ikinatuwa ng mga residente ng nasabing mga barangay kung saan nagkanya kanyang bitbit ang mga ito kanilang lalagyan para makakuha ng mga isda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.