9 bagong nasawi dahil sa COVID-19 sa Camarines Sur; aktibong kaso umabot na sa 2,274

NAGA CITY- 9 ang bagong nasawi dahil sa COVID-19 sa Camarines Sur batay sa tala ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO.

Sila ay mga residente ng San Vicente at San Rafael Bato; San Isidro, Bula; Sta. Cruz Poblacion Calabanga; Dugcal Camaligan; Tawog ,Caramoan; Poblacion bayan ng Pamplona at Pugay  sa bayan ng San Jose.

Nagdala ito sa bilang na 405 nasawi. 45 naman ang nadagdag sa bagong positibo kahapon kaya umabot na sa 10, 872 ang kabuuang kaso mula 2020. Pumalo naman sa 2, 274  ang active cases.

Sa mga update sa COVID-19 marami na ang hindi naniniwala rito , dumarating sa punto na nakukuwesyon na ang mga ulat ng Department of Health kaya ayon kay DOH Regional Director Dr. Ernie Vera mainam kung ipapabatid sa kanila kung ano ang nararamdaman ng mga COVID-patients.

Nakatutok man ang DOH sa mga hakbang upang malabanan ang COVID-19 hindi naisasantabi ang iba pang programang pangkalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *