Havana, nag-reopen ng mga beaches nito

Muling binuksan ang mga beaches at pools sa Cuban capital na Havana, at pati na rin ang sikat na Malecon seafront promenade.

Sa isang formal notice na ipinadala sa state media, ay sinabi ni Havana governor Reynaldo Garcia Zapata na bubuksan na nito ang beaches at pools sa lugar, ngunit naka half-capacity muna ito pansamantala.

Tiniyak rin ng gobernador na oobserbahan sa mga pasyalan ang lahat ng virus prevention measures.

Iginiit niya na mandatory ang pagsusuot ng masks, maliban na lang kung magsu-swimming.

Mababatid na na-ban ang lahat ng klase ng aktibidad sa Malecon, na sikat na pasyalan para sa mga residente doon, mula noong January dahil sa pandemya.

Noong nakaraang linggo naman ay na-reopen na ang restaurants, bars at iba pang mga pampublikong lugar sa walo mula sa 15 probinsya ng Cuba matapos ang siyam na buwan na pagkakasara, ngunit nasa limitadong kapasidad lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *