Cone, inako ang kasalanan sa pagbagsak ng Kings

Inako ni coach Tim Cone ang responsibilidad para sa bigong kampanya ng Barangay Ginebra sa 46th PBA Philippine Cup.

Nangako si Cone na babalik ng mas malakas ang bumagsak na defending champions.

Sinabi ni Cone sa kaniyang Twitter post, “I can’t find words to express our sorrow and embarrassment over our performance in the (Pampanga) bubble. We didn’t live up to the Ginebra legacy and that was totally my fault,”

Humingi naman ng paumanhin si Cone sa Ginebra nation at sinabi na hindi na ulit ito mangyayari habang siya ang coach ng kuponan.

Matatandaan na naghari ang Ginebra sa nakalipas na dalawang PBA tournaments kabilang na sa Governors’ Cup noong 2019 at sa lone All-Filipino conference na ginanap sa gitna ng pandemya noong 2020.

Gayunman, para sa kasalukuyang Philippine Cup, ay nahirapan ang Ginebra sa kabila ng “never-say-die” attitude nito  dahil na rin sa kakulangan nito sa man power at iba pang problema na kinaharap nito.

Nagtapos ang Gin Kings sa elimination round na may 4-7 win-loss record, habang nakaligtas ito sa playoff kontra Phoneix para sa No.8 spot sa score na 95-85 na dahilan para maka-abanse ito sa huling pwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *