9 bettors mula sa region 2 kabilang sa 433 lucky winners ng 6/55 grand lotto

Kabilang ang siyam na mananaya mula sa Rehiyon Dos sa maswerteng nanalo ng 6/55 Grand Lotto na binola noong October 1, 2022.

Ayon sa inilabas na anunsyo ng PCSO na listahan ng mga nanalo sa bawat probinsya, ang Isabela ay mayroong limang naka-jockpot; dalawa sa Cagayan, isa sa Nueva Vizcaya at isa rin sa Tuguegarao City.

Samantala, pinakamarami namang nanalo sa Metro Manila na mayroong 151 winners.

Paghahatian ng nasa 433 na nanalo ng jockpot price na P236-million kung saan tig- P545,245 ang mga ito.

Magugunitang lumabas ang winning combination na 9-18-27-36-45-54 na mga numerong “divisible by 9.”

Una nang kinwestyon ang umanoy “suspicious” na resulta ng lotto ng isang senador subalit nanindigan ang PCSO na ang lotto ay isang “game of chance” at wala umanong namimiling tao sa mga winning numbers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *