Brown-out may epekto sa supply ng tubig ayon sa Sorsogon City Water District

SORSOGON CITY – Inihiyag ng pamunuan ng Sorsogon City water District na talagang mayroong epekto sa water supply ang mga biglaang pagkawala ng supply ng kuryente o brown out.

Ayon kay Engr. Eduardo Tejada ang Interim General Manager ng nasabing opisina, bagama’t mayroon naman umanong mga back-up generator sets ang kanilang mga pumping station ay hindi rin agad na naililipat ang supply ng kuryente mula sa Soreco II patungong generator na nagreresulta naman upang humina ang pressure ng tubig.

Aniya, kapag naman bumalik na ito ay nagkakaroon na ng air lock na nagiging dahilan naman upang hindi na makadaloy ng tuluyan ang tubig. Samantala, upang matugunan ang nasabing problema sinabi ng opisyal na sa kanilang isinagwang pagpupulong kasama ang CDRRMO ay nagbigay sila ng manifestation na kung maaari ay isaprayoridad ng Soreco II ang mga kanilang mga linya upang maiwasan ang ganitong mga insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *