93% ng mga bagong Omicron case naitala

Ibinahagi ng Department of Health na 93% o 1,569 ng mga bagong kaso ng mas nakakahawang Omicron variant ang naitala sa bagong genome sequencing ng 1,680 samples, dahilan para tumaas ang kabuoang Omicron cases sa bansa sa 2,722.

Mula sa 1,569 na karagdagang kaso, 702 ang nadetect ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) habang 867 ang naitala ng UP-PGC Diliman, UP-PGC Visayas, at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ang mga bagong kaso ay binubuo ng 1,458 local cases at 76 Returning Overseas Filipinos (ROFs), habang 35 cases ang verified.

Kaugnay nito, sa 1,569 new cases, 72 pa ang active cases, apat ang napaulat na nasawi, at 1,403 ang recoveries.

Ang natitira namang 90 kaso ay beneberipika pa. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *