G7 nagpahayag ng suporta sa Ukraine matapos ang major missile strike ng Russia

Tiniyak ng mga leader ng G7 group ng mga mayayamang bansa na suportado nila ang Ukraine sa gitna ng major Russian missile strike ng Russia.

Ayon sa grupo sa kanilang emergency virtual meeting, patuloy silang magbibigay ng military at humanitarian aid sa Ukraine.

Kinondena din ng grupo si Russian President Vladimir Putin sa attempt nitong pag-annex sa apat na rehiyon ng Ukraine sa pamamagitan ng self-styled referendums nito.

Una nang hiniling ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang G7 ng dagdag na defence capabilities.

Hiniling din nito sa grupo na suportahan ang international mission sa Ukraine-Belarus border dahil malapit na kaalyansa ni Putin si Belarus leader Alexander Lukasheko .

Matatandaan na 19 ang namatay habang marami ang nasugatan sa Russian missile attack sa ilang bahagi ng Ukraine kabilang ang capital city na Kyiv.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *