Mga nagawa ni Albay Gov. Rosal sa kanyang unang 100 araw bilang gobernador, inilatag

LEGAZPI CITY – Inilatag na ni Albay Governor Noel Rosal ang kanyang mga akomplisimento sa unang isandaang araw bilang gobernador ng lalawigan sa Albay Astrodome, Legazpi City.

Binigyang-diin ng gobernador sa kanyang talumpati ang tungkol sa health, nutrition and wellness kung saan bumisita ang opisyal sa mga ospital na pinapatakbo ng pamahalaang panlalawigan ng Albay; universal health care act kung saan nakapaloob dito na mayroong COVID-19 allowance para sa mga medical personnel, implementasyon ng No-out-of-pocket Expense for Liabilities (NOEL), at ang pagbili ng mga modernong kagamitan pang-medik tulad ng CT scan, kagamitan sa radiology, ultrasound at mga makina.

Dagdag pa nito, pinalakas pa ang kampanya ng PINASLAKAS na bakunahan sa iba’t ibang mga lugar sa lalawigan, kabilang din ang programang Recovery of Service for Albayanos (ROSAL) for Geographically-isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) and indigenous people of Albay.

Mayroon din umanong 4,298 na benepisyaryo ng serbisyong medical, dental at pangkalusugan mula sa grupo ng mga espeyalista.

Kabilang din sa kanyang nagawa na ang Albay Dairy Plant ay nakapagbigay ng nutrition intervention packages tulad ng mga produkto mula sa gatas para sa mga feeding programs.

Pagdating naman sa social protection, nakapaglaan ang pamahalaan ng P25M karagdagang social pension para sa 16,666 senior citizens sa lalawigan, nakapaglaan din ng P10M o P5K burial assistance para sa mga bona fide na residente, at marami pang iba.

Nagpapasalamat ang opisyal sa mga Albayano maging sa iba’t ibang mga sektor para sa kanilang walang sawang suporta sa pamahalaan at umaasang marami pa umano ang magagawa sa ikauunlad ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *