Pampanga, tumanggap ng peso excellence award mula sa DOLE

Isa ang Pampanga sa dalawang probinsiyang ginawaran ng PESO Excellence Award ng Department of Labor and Employment o DOLE sa ginanap na 22nd National PESO Congress,

Mismong si Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang nag-abot ng parangal kay Pampanga Public Employment Service Office o PESO Manager Luningning Vergara.

Bukod sa excellence award, kinilala rin bilang hall of famer sa Bayanihan Service Award ang Pampanga PESO sa ikalawang pagkakataon.

Nagpasalamat naman si Vergara sa natanggap na pagkilala mula sa DOLE.

Samantala, hanga naman si Vice Governor Nanay Pineda na dumalo rin sa PESO Congress–sa ipinakitang tapang ng mga PESO officer sa pagtulong sa mga tao sa kabila ng pag-iral ng sakit na coronavirus o COVID-19.

Bukod sa Pampanga, nakatanggap din ng parangal ang ilang probinsiya sa iba’t-ibang kategorya sa ilalim ng Bayanihan Service Awards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *