Mga nagtitinda ng mga bulaklak sa Legazpi City Public Market, umaasang makakabawi ng kita ngayong taon matapos malugi dahil sa pandemya

LEGAZPI CITY – Dinadagsa na ngayon ng mga mamimili ang flowering shop sa Legazpi City Public Market upang bumili ng samu’t saring mga bulaklak para sa darating na undas.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Gemma Adornado, pangulo ng Legazpi Flower Vendors Association, sinabi nitong umaasa ngayon ang mga nagtitinda na makakabawi sila ng kita ngayong taon matapos makaranas ng pagkalugi nitong nagdaang taong dahil sa pandemya.

Dahil niluwagan na ang restrictions sa protocols laban sa COVID-19, mababawi na nila umano ang nawalang kita sa nagdaang taon.

Umaabot sa P150 ang pinakamura nilang tinda ng bulaklak at P5,000 naman ang pinakamahal na presyo ng bulaklak at ito ay magdedepende sa disenyo ng pagkakagawa nito.

Ngayong araw din ay inaasahang mas lalo pang dodoble ang mga tao sa merkado-publiko upang bumili ng mga bulaklak para sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *