PSWDO, DSWD at Albay Solo Parents Federation, nagsagawa ng oryentasyon tungkol sa RA 11861 o Expanded Solo Parent Act

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng oryentasyon ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Albay Solo Parent Federation para sa RA 11861 o Expanded Solo Parent Act.

Dinaluhan ng ito ng mga solo parents at focal persons mula sa labingwalong mga munisipalidad sa Albay.

Ang nasabing batas ay nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa solo parents at naglalayong unahin at maprotektahan ang mga ito lalo na ang mga ina.

Maliban dito, mayroong ibinigay na kwalipikasyon ang batas sa pagiging ‘solo parents,’, kung saan kasama na ngayon ang mga asawa/sinumang miyembro ng pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa kategoryang mababa/semi-skilled at may mga kontratang mahigit labindalawang buwan pataas.

Bukod pa rito, ang bagong batas ay nagkakaloob din ng tulong na may kaugnayan sa trabaho, edukasyon, at panlipunang kaligtasan.

May mga karagdagang benepisyo pa na makukuha tulad ng cash subsidy na Php1,000 para sa mga minimum wage earner na inilalaan ng LGUs bawat buwan para sa automatic coverage ng National Health Insurance na pinangangasiwaan ng PhilHealth at babayaran ng National Government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *