Eleazar humingi ng tawad sa pamilya ng lola na binaril ng pulis

Pinanamadali ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang pagsasampa ng kaso laban sa pulis na nagviral matapos barilin-patay ang 52-anyos na lola sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City kagabi.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag matapos na iharap sa kanya sa Camp Krame si Police Master Sgt. Hensie Zinampan na naka-assign sa Police Security and Protection Group.

Inatasan na rin ni Eleazar ang PNP-Internal Affairs Service para agad na masibak ang serbisyo ang suspek.

Humingi na rin tawad ang PNP chief sa pamilya ng biktimang si Lilybeth Valdez na umanoy kapitbahay ng naturang pulis.

Sa viral video makikitang sinusundan ng pulis ang lola at habang papalapit sa biktima ay inilabas nito ang baril at itinago sa kanyang likuran.

Bigla na lamang nitong ikinasa ang armas at sinabunutan ang lola.

Nakiusap pa ang biktima na huwag syang sabunutan, pero bigla na lang itong binaril sa leeg na agad naman humandusay at kaunan ay idineklarang dead on the spot.

Agad naman nahuli si Zinampan matapos ang isinagawang follow-up operation ng mga kapulisan kung narekober dito ang baril na ginamit sa pagpatay sa matanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *