Saudi Crown Prince at PM Al Saud tinanggap ang imbitasyong bumisita sa Pilipinas

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tinanggap na ni Saudi Arabia Prime Minister Mohammed bin Salman al Saud ang imbitasyon nito na bumisita sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo ibinahagi sa kanya ng crown prince na malapit sa kanyang puso ang Pilipinas dahil isang Filipina ang itinuturing niyang pangalawang nanay na nag-alaga sa kanya.

Sinabi ng Pangulo na sa kanilang pag-uusap sa sidelines ng APEC Summit mas natuon ang kanilang paksa sa labor force bagama’t nabanggit din ang isyu ng langis.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na kukunin niya ang pagkakataon mapag-usapan ang posibleng pang-angkat ng langis ng Pilipinas sa Saudi sakaling matuloy ang pagbisita ng crown prince sa bansa.

Maliban dito kabilang din sa mga napag-usapan sa sidelines ng APEC Summit ang pagpapalawak ng ekonomiya ng dalawang bansa, at ang posibleng pagkuha ng Pilipinas ng murang fertilizer sa Saudi.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *