Pansamantalang pagbabawal sa paggamit ng squid pot o bubo sa panghuhuli ng nucos may magandang ibubunga rin ayon sa BFAR

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na sa huli ay ang mga mangingisda at ang karamihan din ang makikinabang sa planong pansamantalang pagbabawal sa paggamit ng squid pot o “bubo” sa panghuhuli ng nucos o mas kilala sa tawag na kanuos.

Kasunod yan ng kahilingan ng Integrated Fisheries and Aquatic Resources Management Council na ipagbawal sa loob ng tatlong buwan o mula Hulyo hanggang Setyembre ang paggamit ng “bubo” o squid pot sa panghuhuli ng nucos sa Lamon Bay.

Sa mga panahon kasing ito ay nangingitlog o nagpaparami ang mga nucos at ang squid pot ay madalas napagkakamalan ng mga ito na kanilang habitat.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na  bagamat inaasahan ang pagbaba ng produksyon ng malalaking pusit sakaling pansamantalang ipagbawal ang paggamit ng squid pot sa panghuhuli nito ay mararamdaman naman aniya ang mas magandang epekto pagkatapos ng tatlong buwan.

Ang Lamon Bay ay mula sa may bahagi ng Mercedes hanggang sa may parte ng Sta Elena.

Sinasabing mas marami ang mga nucos na nangingitlog sa bahaging ito ng karagatan sa loob ng panahong nabanggit.

Ayon pa kay Tiam kaya nais ng IFARMC na magkaraoon ng pansamantalang ban sa paggamit squid pot ay dahil mayroon umanong mga pag- aaral na nasa 250 piraso lang ng itlog ang inilalabas ng “mother” kanuos o nucos at pagkapangitlog ay namamatay din ito.

Kaya naman ganito na lamang umano ang ginagawang conservation effort para hindi maubos ang mga nucos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *