Bato, nanawagan para sa resumption ng localized peace talks matapos ang pagpanaw ni Sison

Iminungkahi ng isang senador na dapat magsagawa ang gobyerno ng localized peace talks, matapos ang pagpanaw ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria “Joma” Sison.

Para kay Sen. Bato Dela Rosa, ito ang tamang panahon para mag-resume ng peace talks locally.

Matatandaan na noong nakaraang administrasyon, nagkaroon ng on-off talks sa mga kumunistang rebelde, na kalahati nang problema sa bansa.

Kaugnay nito, naglabas si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng Proclamation 360 noong Nov. 23, 2017 na nagdeklara para sa termination ng peace negotiations sa mga rebelde.

Inanunsyo din nito noong March 2019 ang permanent termination ng negosasyon sa pagitan ng government panel at sa Communist Party of the Philippines.

Ayon kay Dela Rosa, na si Joma Sison lang naman umano talaga ang stumbling block noon ng local peace talks dahil ayaw nitong mawalan ng kontrol sa kanyang field units, habang ang mga local commanders naman ay takot umanong maparusahan. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *