LGU Buhi, Camarines sur, nakafull-alert status pa rin  dahil sa konsidyon ng panahon.

NAGA CITY – Nakafull-alert status pa rin ang bayan ng Buhi, Camarines Sur, dahil sa kondisyon ng panahon.

Kahapon Dec. 21, 2022 naging maayos habang inuulan muli ang ilang bahagi ng lalawigan ngayong Huwebes.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Mark Anthony Nazarrea, Public Information Officer ng naturang LGU.

Aniya, bagamat ibinaba na ang alert status matapos ang naranasang pag-uulan sa probinsya na nagpabaha sa maraming bayan minabuti nila na maging handa pa rin.

Alerto pa rin ang mga barangay lalo na inaasahan pa ang pag-uulan dahil sa Amihan at Shearline.

Binabantayan din ang mga barangay na prone sa mga baha at landslide tulad ng Barangay Ipil, Iraya, Santa Cruz, Ibayugan, Burocbusoc, at ang Barangay San Buenaventura, maliban sa malapit sa Lake Buhi, mababa ang ilang barangay at malapit rin sa Mt. Asog.

Ayon pa sa opisyal na kung sakaling mag-uuulan pa sa mga susunod na araw, magkakaroon ng force evacuation lalo na ang mga nasa Zone 2 at Zone 3 ng Barangay Ipil at Zone 4 ng Barangay Iraya na kinakitaan ng mga posibleng pangambang pagguho ng lupa base sa isinagawang assessment ng bayan.

Sa abiso ng Office of the Civil Defense Bicol kailangan nga ang patuloy na monitoring.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *