Poe, pabor na pag-aralan na ang pagsasapribado ng NAIA

Sumang-ayon si Senadora Grace Poe sa usaping pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng naging aberya dito noong New Year.

Ayon kay Poe, ito na ang tamang panahon para sa privatization hindi lamang sa air control traffic system, kung ‘di maging sa mismong paliparan.

Dagdag pa niya, kung ang paggatos sa nakakalulang halaga ng pera para i-invest at i-upgrade ang pasilidad ng airport at i-expand ang terminal at serbisyo, ibig sabihin, ito na nga ang tamang panahon upang ipatupad ang privatization.

Samantala, sinabi ng mambabatas na halos 100% na responsable sa kontrobersyal na air traffic fiasco ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Giit ng senadora, kitang-kita naman na ang mga naturang ahensya ang responsable sa nangyari sapagkat mga tao nila ang naka-assign sa air traffic control towers.

Nakatakdang imbestigahan ng Senate Committee ni Poe ang airport fiasco sa Huwebes, January 12.
#

Institutional reforms sa CAAP

Isinusulong ngayon ni Senador Sonny Angara ang pagpasa ng bill na naglalayong magkaroon ng institutional reforms sa CAAP

Ayon kay Angara, ang nangyaring technical glitch na nagdulot ng pagkaantala at pagkakansela sa mga flights sa NAIA ay wake-up call para sa lahat kaugnay sa pangangailangang matugunan ang gaps sa mga air transport system.

Dagdag pa niya, ang CAAP ang pinakasentro ng nangyari kaya nararapat lamang na magpatupad ng necessary reforms upang mabigyan ang ahensya ng mga kasangkapan para masunod ang kanilang mandato.

Bukod dito, sinabi rin ng mambabatas na sa imbestigasyon, dapat pagtuunan ng Senate Committee on Public Services kung sino ang accountable sa naturang glitch at paniniguro na ang systems at ahensya ay handa sa mga sitwasyong katulad ng nangyaring technical problem.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *