Caramat, itinalagang bagong CIDG director

Ikinasa rin ang balasahan sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Kinumpirma ni PNP chief General Rodolfo Azurin ang pag-alis sa puwesto kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG director BGen. Ronald Lee.

Ipinalit naman bilang CIDG chief si BGen. Romeo Caramat.

Nakatakda namang maging deputy si Lee sa PNP-Directorate for Intelligence (DI).

Ayon kay Azurin, mayroon umanong mga resolusyong nilagdaan ang iba’t ibang mga generals para suportahan si Lee.

Aniya, matagal na itong pina-plano ngunit mayroon pang mga personal na problema si Caramat dahilan para hindi pa ito maitalaga sa CIDG.

Matatandaang kapapanaw lamang ng aswa ni Caramat na si Calasiao, pangasinan Mayor Maya Caramat kahapon dahil sa hypertension.

Si Caramat ay dating deputy director of the PNP-Directorate for Intelligence, naging regional director ng PRO-CARAGA, at hepe rin noon ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG); at ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group o PNP-IMEG.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *