Tinalakay sa nakaraang regular sesyon ng Sangguniang Bayan ng Quezon ang mga problema sa mga dokumento ng mga bumibili ng segunda-manong motorsiklo o “repo”
Ito ay bunsod ng mga reklamo na ipinapaabot sa Sanggunian ng munisipyo.
Nagkakaroon na kasi umano ng problema ang isang buyer ng motorsiklo kapag nais nya na itong apply-an ng prangkisa ang motorsiklo subalit nakapangalan pa rin ang mga O.R. at C.R. nito sa unang may ari.
Partikular umano na nagkakaroon ng problema ang mga may-ari ng pampasadang tricycle.
Samantala, inaasahan na magkakaroon pa ng pagdinig ang komite ng transportasyon tungkol sa reklamong ito sa mga susunod na araw.