Tax collection centers sa mga mall at city hall lobby, binuksan ng BIR-RDO 111 sa Koronadal

KORONADAL CITY- NAGTAYO ang Bureau of Internal Revenue o BIR Revenue District 111 ng mga tax collection centers sa mga mall at city hall ng Koronadal.

Sa isinagawang 2023 Tax Campaign kick off kamakailan lamang, inihayag ni Revenue District Officer Evelyn Mallilin na maliban sa tax collection center sa 3rd floor ng BIR Building sa Magsaysay Street ng lungsod, may tax collection center din sa Mall of Ace Centerpoint, KCC Mall of Marbel, at lobby ng City Hall.

Sa pamamagitan nito, mas mapapalapit at mapapadali na ang pagbabayad ng buwis ng publiko.

May mga kawani din ang BIR sa naturang mga tax collection centers na handang sumagot sa mga katanungan ng mga tax payers.

Ang huling araw ng filing ng annual income tax return ay itinakda sa April 17, 2023.

Ang hindi pagbabayad ng buwis ay maaaring magresulta sa penalidad at legal action.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *