Lifestyle related diseases, karaniwang dahilan ng pagkamatay ng Sorsoganon

Lifestyle Related Diseases ang dahilan ng pagkamatay ng mga Sorsoganon.

Ayon kay City Health Office Health Education Program Officer Sofia Dematera ang nasabing datos ay batay sa mortality rate o talaan ng mga sanhi ng pagkamatay ng mga residente sa lalawigan noong nakatalikod na taong 2022.

Aniya, ang nasabing mga sakit ay hindi umano nakakahawa at nakukuha dahil sa uri ng pamumuhay o lifestyle ng isang tao.

Kabilang umano sa mga  ito ay dulot ng obesity, overweight, diabetes mellitus, mga cardio vascular diseases at cancer.

Samantala, sinabi ni Detera na bagama’t ang mga ito ay puwedeng maiwasan subalit nakakabahala umano dahil tumataas ang bilang ng mga kaso ng nasabing sakit at ito umano ang nais nilang matuldukan sa pamamagitan ng paghikayat sa publiko na magkaroon ng healthy lifestyle na dahil sa mga teknolohiya at pag-unlad ay hindi na gaanong napagtutuunan ng pansin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *