High-tech US Military assets tampok sa Balikatan Exercises 2023

Nagsimula na ang pinakamalaking military exercise sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at pwersa ng mga sundalong Amerikano.

Aabot sa 17,600 miyembro mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. military ang lumahok ngayong taon para sa annual bilateral exercise na binansagang ‘Balikatan 2023’.

Tampok sa naturang military drill ang mga high-tech na kagamitan na ibibida ng American forces.

Kabilang na dito ang mga high-end miltary helicopters katulad ng blackhawks, Chinooks, HIMARS rocket launchers, at Patriot and Avenger Battery Systems.

Gagamitin din sa naturang pagsasanay ang US Airforce assets na KC-130J Super Hercules, KC-135 Stratotanker, at F-16 fighting Falcon.

Bitbit naman ng US Navy ang ipinagmamalaki nilang mga amphibious ship assets katulad ng MH-60S Seahawks at P-8A Poseidon.

Samantala sasabak ang US at Military assets sa live fire will kung saan target nila ang isang floating vessel habang ginagawa ang Littoral Live Fire.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *