Diskusyon ng mag-bayaw tungkol sa “math problem”, muntik mauwi sa pananaksak; ang umawat nadamay

Muntik mauwi sa pananaksak ang diskusyon ng magbayaw tungkol sa Math Problem sa Barangay 1 Roxas Palawan, bandang alas-dose kagabi, April 12.

Ayon sa ulat, nag iinuman ang magbayaw na kinilalang si Marlon Pacaldo, 28 anyos at Jaime Herapat, 27 anyos at isang Sonny Baaco, 27 anyos nang magdiskusyon ang dalawa dahil umano sa “math problem”.

Napikon umano si Jaime at sinubukan nitong saksakin si Marlon na agad naman napigilan ng kanilang kasamahan na si Sonny.

Sa halip daw na magpasalamat si Marlon kay Sonny ay pinagmumura niya ito dahilan para masuntok siya ni Sonny.

Agad na rumesponde ang kapulisan at napigilan ang kaguluhan habang ipinapaubaya na nila sa Barangay ang paguusap ng tatlong sangkot.

Samantala, tumakas si Jaime dala ang kutsilyo, ayon pa sa PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *