Committee meeting kaugnay sa ilang proyekto sa Bayan ng Brooke’s Point na hindi pa tapos, walang malinaw na pag-uusap


Walang malinaw na pag uusap matapos na hindi masagot ang mga katanungan patungkol sa proyektong water elevated tank at bagong gusali ng Municipal hall sa bayan ng Brooke’s Point.

Ayon kay Engineer Eliezer Sagala Representative ng EDDMARI Contractor na may hawak ng proyekto, wala itong maibigay na saktong petsa o araw kung kilan malilipatan o magagamit ang bagong Municipal Hall building sa bahagi ng barangay Tub-tub na sinimulan pa noong 2018, dahil sa marami pa umanong binabago at inaayos sa nasabing proyekto na umabot na nga ng limang taon

Paliwanag naman ng Engeneering Office isa sa mga problema ang wirings kung saan tatlong boses na umanong inayos ng kontraktor subalit hanggang ngayon ay problema pa rin kaya hindi malipatan, hindi pa rin umano natatapos ang bahaging harapan ng gusali dahil dalawang buwan na umanong walang nagtatrabaho.

Aminado naman na may kakulangan ang LGU, sapagkat hindi agad na monitor at huli na ng matuklasan na hindi angkop ang mga materyales at hindi tama ang pagkakagawa tulad ng mga tiles at iba pa.

Kaugnay nito, muling magpapatawag ng Committee Meeting ang chairman Committee on Infrastructure sa katauhan ni konsehal Kiel Rodriguez at kung sakaling hindi pa rin ito magiging maayos ay hihilingin sa LGU ang termination ng kontrata sa proyekto.

Samantala wala ring napag-usapan patungkol sa proyektong water elevated tank matapos na walang dumalong representative mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *